this is not what you think it is
*ewan ko ba bkt mo nging friend un. sorry ha.*
bahagi ito ng friendster message sakin ng isang close friend ko. naiyak ako. kasi wala akong magawa. napahiya ako. dahil sa kanya. hindi ko alam anong dapat kong gawin. ilang beses na nya kong na-let down. sobrang napahiya talaga ako.
matagal na kong nagtatampo sa kanya. kasi, hindi man lang siya nagpapakita sakin. siguro busy lang talaga siya. siguro nga marami lang talaga siyang problema sa buhay, sa pamilya, sa trabaho, sa love life. okay lang naman sa 'kin kung ganun. pero sana kahit minsan i-text niya naman ako. yung tipong message na hindi na niya 'ko kokosensyahin na nagpapa-pasaload lang siya para maitext ako. basta. yung itanong man lang niya kung buhay pa ba 'ko. sabi niya importante ako sa buhay niya. pero ganun ba ako kaimportante, kumpara sa love life niya? sa work niya? sa college friends niya? hindi naman ako nanunumbat eh. alam kong alam niya kung gaano siya kaimportante sa 'kin. marami na kaming pinagdaanan. marami na kaming alam sa isa't isa. pero nasaan na siya?
tapos, isang simpleng bagay, hindi niya magawa. sobrang napahiya ako. naiyak pa ako nung mabasa ko yung friendster message na yun. alam kong hindi sadya nung nagpadala nun na masaktan ako. pero ganun na nga. hindi ko na rin tuloy maiwasan itanong sa sarili ko the same question. bakit nga ba?
naaawa ako sa kanya. naaawa ako sa sarili ko. naaawa ako sa lahat ng taong konektado sa kanya. hindi ko alam kung anong gagawin ko. hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. nahihirapan na 'ko. pati ang nanay ko naiinis na sa kanya. mahigit isang buwan na ko dito pero ni minsan hindi nya ko kinamusta. maraming paraan. marami. sobra.
oo. nagtatampo ako. naiiyak. nalulungkot. nanghihinayang. para sayo, sana 'asan ka man ngayon (definitely buhay ka pa, nararamdaman ko yun) sana masaya ka. kasi ako, masaya na ko dati. naalala lang kita. nag-aalala ako sayo. kahit nagtatampo ako, inaalala pa rin kita. mahal kita.
masakit pala talaga magmahal. lagi mo yung sinasabi sakin di ba? hindi ko alam ang nararamdaman mo dahil hindi ko pa naranasang ma-in love. pero hindi ko pala kailangang ma-inlove pa para masaktan. ikaw lang, sapat na para masaktan ako ng sobra. sana ok ka lang. sana masaya ka. sana masaya pamilya mo. sana maayos work mo. sana masaya ka sa love life mo. sana. sana nakita kita bago man lang ako umalis. God bless. MTBOGBWUA. Mahal pa rin kita. hindi ko alam kung bakit, pero mahal pa rin kita. mahal ka namin. nasaan ka man.
^nakakatawa. baka isipin ninyong tungkol sa ex-boyfriend or jowa or whatever ko ito. hindi. hindi talaga. ah basta.^

